

Crisanta "Ochie"
N. Cardeño - Reyes
A Filipino Poet
About Her

Crisanta N. Cardeño - Reyes is an author based from the Philippines. She started writing poems since she was 17 years of age. She published 4 books entitled Katha ng munting isipan, Iba't ibang mukha ng tula, Mga tula ng damdamin, and 300 Tula ni Crisanta, which were lawfully registered at the National Commision For Culture and the Arts, National Library. All of the poems posted are copyrighted.
Books


Katha ng Munting Isipan
Iba't ibang Mukha ng Tula


Mga Tula ng Damdamin
300 Tula ni Crisanta
Paunang Salita
Ako si Crisanta “Ochie” Nevalga Cardeño, Ipinanganak noong Oktubre 15, 1971 sa bayan ng Biñan City, Laguna. Pangatlo sa mga anak nila Cesar Mercado Cardeño at Leonisa Trinos Nevalga Cardeño.
Aking binuksan ang aking puso at damdamin sa pamamagitan ng paglikha ng mga tula na aking inilathala. Nais kong inyong maramdaman at makita ang lahat ng uri ng damdamin na pumapaloob sa aking mapag kathang isipan. Bawat inilimbag ng aking mga kamay ay pinagnilayan kong mabuti. Ito ay hango sa aking sariling damdamin at kung minsan sa puso ng iba ay aking napakinggan ang damdaming kay hirap maunawaan at ito ay akin din pinagnilayan. Hinugot ko ang damdamin ng ibang tao upang ito ay aking maihayag sa inyong lahat sa pamamagitan ng tula.
Ibig kong ipabatid sa inyo ang lahat ng aking natuklasan sa sarili at sa ibang damdamin. Isinulat at inilalatha ko ang lahat ng lihim na nakakubli sa puso at isipan ng bawat kong nakakasalamuha. Sapagkat hangad kong Ako, Sila, at Ikaw ay makabatid ng bawat sanhi ng kalungkutan, kabiguan at tagumpay ng ating buhay.
Hindi madali arukin ang bawat puso at damdamin, sapagkat ang lahat ay may kanya kanyang katwiran. Batid ko naman na ang bawat isa ay nasa sarili nilang panig. Walang puwang ang katotohanan at mga maling paniniwala sa mga pusong walang pagtanggap sa paniniwala ng iba. Sapagkat ang isipan ay pilit na isinasara. Bagamat ang lahat ay hindi madaling intindihin ay pinagnilayan ko itong mabuti upang higit kong maunawaan ang sanhi ng bawat katwiran. Napagtanto ko na walang mali sa sino man, sapagkat ang tao ay may kalayaan na mag isip sa sarili niyang paniniwala.
Nawa ay mabuksan ng aking mga katha ang bawat ninyong puso at isipan. Hangad ko na ipakita sa inyo at ipakilala ang bawat pusong nasa ibat-ibang mukha ng damdamin.
Kung ako man ay may pagkakamali sa aking mga likha ito ay katha lamang at hindi ko hinangad na makasakit ng puso at isipan ng bawat isa. Ang tanging hangad ko lamang ay ilahad at ipaunawa sa bawat mambabasa ang lihim ng bawat puso at isipan. Napagtanto kong kay sarap damhin ang damdamin na nais magpadama.
Sa aking mga mambabasa ako ay labis na nagpapasalamat sa pagbibigay nyo ng panahon upang bigyang pansin ang aking mga likha. Katha man ito ng munti kong isipan ay nabigyan nyo ito ng damdamin sa pagpapahalang inyong ipinakita. Hangad kong makatulong ang lahat ng aking katha sa inyong mga puso at isipan.
Marami pong salamat!
Crisanta "Ochie" N. Cardeño - Reyes
Akda