INAY
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Nobyembre 7, 2001
I
Maraming maaaring sa iyo ay itawag,
Sa pangalan man o bansag ikaw ay tanyag.
Hindi mabilang na tao ang sa iyo ay tumatawag,
Ngunit may isang tinig na agad mong naihahayag.
II
INAY …. Kay sarap bigkasin,
Salitang galing sa malalim na damdamin.
Tawagin ka lamang kay sarap damhin,
Para akong nakalutang sa malamig na hangin.
III
Ikaw lamang ang mayroon ako,
Kaya ikinagigiliw ko ang pagtawag sa iyo,
Magunaw man ang buong mundo,
Mananatili ka dito sa puso ko.
IV
Sa lahat ng panahon ibig kitang makasama,
Dahil mahal kita at pagka mamahalin pa.
Ikaw… ikaw… ikaw lamang INA,
Wala na akong ibang nanaisin pa.
V
Sa susunod at susunod pang mundo,
Hihilingin ko na magtagpo muli tayo.
Inay… Inay…. Inay…. Ikaw ang ibig ko,
Kung hindi rin lang ikaw, paano na ako.
VI
Inay…. Kay sarap mong tawagin,
Nakakakilig sa munti kong damdamin.
Kung ikaw ay mawawaglit, pilit kong hahanapin,
Dahil ikaw ay mahalaga sa akin.
Comentários