top of page
Search

INIP

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2007

I

Bituin sa langit kay hirap bilangin,

Hindi rin madadakot yaring buhangin.

Ang bawat bagay kay hirap unawain,

Tulad ng pagkainip nitong damdamin.

II

Wala ngang kasiyahan ang bawat isa,

Laging mapaghanap ng ikasisiya.

Kahit libangin ang sarili sa tuwina,

May sandaling naghahanap ng ligaya.

III

Lahat ng bagay ay hindi mawawari,

Kaya marahil ang tao ay nagkakamali.

Kahit pag-isipan itong bawat mithi,

Tao ay makakatunton ng pagkasawi.

IV

Kahit na ang tao ay nasa tamang gawa,

Lumilihis pa rin sa maling akala.

Sapagkat pagkainip ang sinaksak sa diwa,

Kabiguan ay hindi batid at hindi alintana.

V

Hayaan ang panahon ang sa iyo ay magsabi,

Huwag madaliin ang sandaling minimithi.

Sa pagkainip ikaw ay masasawi,

Hinay-hinay ka lang sa bawat sandali.

VI

Huwag kang mainip sa takbo ng panahon,

Lahat ay nakatakda sa bawat ngayon.

Hintayin mo ang iyong pagkakataon,

Huwag kang sumabak kung hindi naaayon.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page