top of page
Search

KUNG……..

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Disyembre 14, 2001


Kung bakit, hindi ko ito masasagot.

Kung ano, hindi ko ito masasabi.

Kung kailan, hindi ko ito alam.

Kung saan, ewan ko…………………

Kung puwede lang sana,

Kung magagawa ko din lang,

Kung kaya ko lang naman,

Kung may pagkakataon pa,

Kung pinagbigyan ko lang sana,

Kung inintindi ko,

Kung ginawan ko ng paraan,

Kung ipinaglaban ko man lang,

Kung ipinilit ko sana,

Kung kinaya kong gawin,

Kung aking pinagbuti,

Kung pinagsikapan ko sana,

Kung minahal ko sana,

Kung inunawa ko man lang,

Kung naghintay sana ako,

Kung anu at ano pa man,

Ang lahat ng kung…………...

Ako ay wala ng magagawa,

Dahil KUNG mayroon din lang,

Ginawa ko na sana noon pa.

At kung may magagawa pa,,

Huwag ng ipagpaliban pa..

Dahil ang ngayon ay aalis na,

Kung hihintayin mo ang bukas…

Ewan ko KUNG darating pa…


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page