top of page
Search

AKO AY KATULAD MO

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 8, 1999

I

Iniwan ako at nang iwan,

Sinaktan ako at nakasakit.

Binigo ako at nang bigo,

Minahal ako at nagmahal.

II

Tingnan mo ako at pagmasdan,

Tayo ay magkakaunawaan.

Isipin mo na sadyang ganyan,

Kabiguan ay hindi matatakasan.

III

Masdan mo ang aking pagkatao,

Katulad mo rin ako sa mundo.

Ang lahat ay aking katalo,

Maging ang sarili ko ay kaargumento.

IV

Ikaw at ako ay magnilay,

Isipin ang takbo nitong buhay.

Kailangan mo ng karamay,

Katulad mo, ako sa iyo ay dadamay.

V

Ako ngayon ay kaparis mo,

Iisa ang ating pagkatao.

Tayo ay nasa iisang mundo,

At ako ay isang katulad mo.

VI

Huwag mo ng pagkaisipin,

Itong landas na tatahakin.

Pareho ang ating haharapin,

Tayo ay nasa iisang salamin.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page