ALAALANG HINDI MAIWAN
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 2004
I
Mahal kita. . . Salitang hindi ko masabi,
Mga katagang hindi mabigkas ng labi,
Pinangambahan ko na ako ay masawi,
Kaya ang pag-ibig sa puso ko ay hinawi.
II
Puso ko ay likas na mapagmahal,
Kaya ang pag-ibig ay aking dasal.
Ang magmahal ay hindi bawal,
Dahil ang pag-ibig para sa akin ay banal.
III
Iisa lamang yaring aking puso,
At hindi ko hangad ang makadama ng pagkabigo.
Kaya pagmamahal sa puso ko ay itinago,
Hindi ko man binigkas ay pinadama ko sa pagsuyo.
IV
Tunay na pag-ibig ay aking tinakasan,
Agad akong lumayo at sa kanya ay lumisan.
Pagmamahal ko ay sadyang walang katapusan,
Taon na ang lumipas, alaala niya'y 'di ko maiwan.
V
Sana ay muling dumating ang pagkakataon,
Na ang pag-ibig na lumipas ay ibalik ng panahon.
Aking haharapin ang ano mang paghamon,
Bibigkasin ng labi ang hindi nabigkas noon.
VI
Hindi kita kayang kalimutan,
Kaya ang nakaraan ay nakaukit sa isipan.
Binuo ito ng matamis na pagmamahalan,
At hindi kayang burahin kahit puso ay sinaktan.
Comments