ALAM KO
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Enero 2002
Alam ko kung bakit siya,
Alam kong hindi mo ako gusto,
Alam ko ang lahat ng totoo………
Pero kahit nalalaman ko,
Ang lahat ng alam mo,
Ang laging tinatanong ko pa rin,
Ay kung bakit. . . . . ?
Bakit mo ako sinaktan?
Bakit hindi mo ako maunawaan?
Bakit ayaw mo sa akin?
Bakit ayaw mo akong mahalin?
Bakit hindi mo ako matanggap?
Bakit mo ako ginaganito?
Bakit mo ako iniwanan?
Bakit mo ako pinabayaan?
Bakit mo ako winalang-bahala?
Ano man ang bigat ng dahilan mo,
Ay hindi na ito bubuo sa aking pagkatao.
Nasaktan na ako at namanhid,
Kaya hiniling ko na ang hininga ay mapatid.
Hindi na makaya tinitiis ng dibdib,
Kamatayan lamang ang pipigil sa ligalig.
Alam kong hindi ka masasaktan,
Kaya hindi ipagluluksa aking kamatayan.
Kahit na ako ay tuluyan ng lumisan,
Ligaya ng puso mo ay ang aking kahimlayan.
Dahil ang totoo, ay ang alam ko. . .
At sa haba ng panahon,
Damdamin mo ay akin ng bisto.
Wala naman saysay kung ano man ang alam ko,
At ang buhay ko ay hindi ko sasayangin sa iyo.
Ako ay may halaga sa mundong ito,
At may isang nakalaan na mamahalin ako ng totoo.
Comments