top of page
Search

ANG AKING KINAHANTUNGAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 2008

I

Hindi yata nauubos ang luha kong umaagos,

Kaya hininga ko sa dibdib ay kinakapos.

Wari bang sa hangin ako ay nakagapos,

Ang lakas ng bagyo ay hindi maibuhos.

II

Pagbubuntung-hininga ay paputol-putol,

At yaring aking iyak ay isang hagulgol.

Itikom man ang bibig, ito ay umuungol,

Sa bigat ng pighating sa puso ay bumukol.

III

Hamog sa umaga ay aking nararamdaman,

Tulad ng pasakit na aking nakamtan.

Kung ako man ay nagbubulag-bulagan,

Hangad ko ay pahinga kahit panandalian.

IV

Ako ay naupo sa tabi ng dagat,

Sapagkat ibig kong ipa-alon, pusong may sugat.

Kahit pakawalan ang hapding kay bigat,

Hindi kaya ng alon tanggalin ang lamat.

V

Ako ay sumampa sa punong mataas,

Pilit kong ibinuhos ang aking lakas.

Aking inabot ang hangad kong bukas,

Ngunit ako ay inabot nitong pagwawakas.

VI

Aking nilakad ang ibabaw ng lupa,

Kahit mabato at ako ay madapa.

Wala naman akong sa buhay ay magagawa,

Maliban sa tumanggap at magparaya.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page