ANG SABI KO SA SARILI
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
2014
I
Takbo. . . Takbo. . . ang sabi ko sa sarili,
Sa dilim ikaw ay doon sumibi.
Itago mo ang diwa at iyong ikubli,
Iwaksi sa isipan ang lungkot na humuhuni.
II
Magpakupkop ka sa isang katahimikan,
Doon ay hanapin mo ang iyong kasiyahan.
Huwag mong alalahanin ang bawat kasawian,
Ito ay lilipas, sa isipan mo ay huwag pagmunian.
III
May daan na laan at iyong masusulyap.
Mata mo ay imulat sa bawat nagaganap,
Iyong matatanaw, tagumpay na hinahanap.
IV
Ang liwanag sa dilim ay sa iyo tatanglaw,
Kaya sarili mo ay turuan na huwag mamanglaw.
Sa buhay na ito paa mo ay turuan na sumayaw,
Iindak ang paa at hayaan sa mundo ay gumalaw.
V
Itali mo ang iyong kamay na mapaghangad,
Ang sapat sa iyo ay may sayang nakalahad.
Huwag mong hangarin ang sobra at sagad,
Masarap mahimbing sa yaman ng iyong pugad.
VI
Sabihin mo sa sarili ang katotohanan,
Na ang bawat bagay ay itinakda at inilaan.
Huwag mong hangarin ang ligaw na daan,
Sarili mo ay kausapin at kayo ay magkakaunawaan.
Comentarios