top of page
Search

BAGONG PAG-IBIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 1990

I

Marami ang hindi naiintindihan,

At lingid sa kaalaman ng sino man.

Ito ay ang natatagong katotohanan,

At ito ay dapat mong maunawaan.

II

Nagsimula ang lahat ng kita ay nakita,

Bumukas agad ang bago kong pag-asa.

At ito ay nadama ng kita ay nakilala,

At naghari agad ang isang umaga.

III

Ang nagmamahal kong puso ay dalisay,

Handang ialay ang nag-iisang buhay.

Walang kailangan kung ako ay mamatay,

Madama mo lang ang pag-ibig kong tunay.

IV

Kung maghirap ako ay walang kailangan,

Handa na ako kung ako ay masasaktan.

Sapagkat batid kong ang pag-ibig ay ganyan,

May dusa at sayang mararanasan.

V

Katotohanan ay nasa aking puso,

Mahirap sabihin itong nakatago.

Ang lahat ay iyo din mapagtatanto,

Ipadarama ko sa bagong pagsuyo.

VI

Hihintayin kita hanggang kamatayan,

Buhay ko ay ihahandog kung kailangan.

Titiisin ko kahit na ako ay masaktan,

Iyan ang pag-ibig na sa iyo ay nakalaan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentarios


bottom of page