top of page
Search

BAKAS NG KAHAPON

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Mayo 1990

I

Masasayang araw sa atin ay nagdaan,

Ligayang kay tamis ay hindi malilimutan.

Pusong nagmamahal ay walang katapusan ,

Sa unang pag-ibig ay mapatutunayan.

II

Hindi ko malilimot ang ano mang nagdaan,

Sapagkat ito ay karugtong ng kasalukuyan.

Bahagi rin ito ng kinabukasan,

Kahit na lumipas pa itong nakaraan.

III

Mga nakaraan ay hindi ko malilimot,

Pag-ibig na wagas ay aking idinulot.

Ang puso kong ito ay hindi mapag-imbot,

Kahit ang buhay ko ay masalimuot.

IV

Alam kong hindi mo ramdam itong pag-ibig,

Na sa puso ko ay malimit na lumiligalig.

Tanging sa gawa ko ipinahiwatig,

Sapagkat hindi kayang bigkasin ng bibig.

V

Kaya ikaw sa akin ay biglang lumayo,

At ang pag-ibig mo ay tuluyang naglaho.

Hindi ko mabatid at hindi ko mapagtanto,

Ang dahilan ng ating pagkakalayo.

VI

Ano ba ang dahilan at ikaw ay lumisan?

Sadya nga bang hindi mo nauunawaan?

Ang ginagawa ko ay sa iyong kapakanan,

Unawain mo at iyong mararamdaman.

VII

Matagal na panahon na ang lumipas,

Akala ko ang lahat ay kumukupas.

Hindi ko akalain na may naiwang bakas,

Pag-ibig sa puso ko ay nagdulot ng bukas.

VIII

Akala ko ay malilimot ko ang noon,

Hindi ko pala kayang pigilin ang tugon.

Nang aking pusong sumisigaw ngayon,

Dahil bumabakas pa rin ang kahapon.

IX

Sadya ngang nakatatak itong pag-ibig,

At dito sa puso ko ay lumiligalig.

Itakwil ko man ay pilit na pumipintig,

Naghahari pa rin ang unang pag-ibig.

X

Dahil dito ay patuloy akong umasa ,

Na babalik ka at may bagong umaga.

Masakit man sa puso itong nadarama,

Winaksi ng pag-ibig ang aking pangamba.

XI

Pina sa Diyos ko ang lahat ng ito,

At hindi ko pinansin ang ikot ng mundo.

Pinanatili ko itong nasa aking puso,

Ito ay unang pag-ibig na hindi maglalaho.

XII

Hiniling ko na ibalik ang panahon,

Upang ituloy ang bakas ng kahapon.

Kahit na lumampas ang libo-libong taon,

Hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig noon.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page