BAKIT ?
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
2002
I
Inabot ko ang langit para sa iyo,
Sumuong ako sa apoy na impyerno.
Inihandog ko sa iyo ang buong buhay ko,
Ngunit pagkatao ko'y winalang halaga mo, bakit?
II
Kung kulang man ang lahat kong ginawa,
Kung may mali man sa bawat kong iniadya.
Kung nasaktan man kita ay hindi ko sinasadya,
Ginawa ko ang mabuti, sa aking pag-aakala.
III
Pero bakit..? Ikaw sa akin ay agad na humusga,
Lahat ng ginawa ko ay iyong winalang halaga.
Maging ang pagkatao ko ay tinuya mo sa tuwina,
At ang makasama ako ay hindi mo ikinasaya.
IV
Ano man ang dahilan mo ay wala sa katwiran,
Mga paliwanag mo ay walang katuturan.
Kahit na ang lahat ay iyo pang ipagpilitan,
Mga salita mo ay pawang bulaan….. Bakit?
V
Marahil pag-iibigan natin ay isang kalokohan,
Inialay mo sa akin ay walang katotohanan.
Salitang binitiwan ay pawang kasinungalingan,
Upang ang puso ko ay iyong mapaglaruan.
VI
Inakala ko na ang lahat ay totoo,
Kaya ang pag-ibig ay inialay ko sa iyo.
Pagmamahal ay pinanatili sa puso ko,
Sa isipan ko ay binuo ang matamis na pagsuyo.
VII
Bakit…? Ito ba ay iyo pang masasagot,
Sugat ba ng puso ko ay iyo pang magagamot?
Malilimot ko ba agad ang bawat mong idinulot?
Sa palagay ko, lahat ng ito ay mananatiling kirot.
コメント