top of page
Search

BAKIT KA NAGTATAGO?

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Nobyembre 23, 2012

I

Bakit ka nagtatago?

Ikaw ba ay isang bigo?

Baka naman ibig mo lang lumayo.

Sa pangarap mo at pagsuyo.

II

Ikaw ba ay nasaktan?

O sa pag-ibig ay isang biguan.

Huwag mo ng ikubli ang iyong katauhan,

Lahat ng bagay ay may sanhi at kadahilan.

III

Sa liwanag ng dilim ikaw ay lumantad,

Muli mong buksan yaring mga palad.

Huwag mong ikatakot ang maghangad,

Ang bawat nasa puso mo ay iyong ilahad.

IV

Malawak ang mundong ito,

At may nakalaan para sa iyo.

Bawat bagay ay subukan mo,

At ang tagumpay ay magiging iyo.

V

Huwag kang magtago o aking kaibigan,

Maraming pinto ang maaari mong buksan.

Sarili ay hayaan mong lahat ay matuklasan,

Upang masabi mo na ikaw ay may kabuluhan.

VI

Halika sa landas na makulay,

Piliin mo ang buhay na may saysay.

Karunungan ay gawin mong gabay,

At sa dilim ay huwag kang masanay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page