BAKIT KAYA?
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Enero 1991
I
Ang tao ay nagbabago,
Ang bagay ay naglalaho.
Ang puso ay nabibigo,
Bakit kaya, pinagtagpo ?
II
Ang mga mata ay lumuluha,
Ang puso ay nababahala,
Ang diwa ay nawawala,
Bakit kaya, ito ang iniadya?
III
Ang mali ay naging tama,
Ang masama ay dakila,
Ang banal ay kinakahiya,
Bakit kaya, magulo ang tadhana?
IV
Ang puso ay pumipintig,
Ang bibig ay nagpaparinig,
Ang mga mata ay nagpapahiwatig,
Bakit kaya, magulo ang daigdig?
V
Ang nagmamahal ay nasasaktan,
Ang umiibig ay nasusugatan,
Ang nagbibigay ay nawawalan,
Bakit kaya, ano ang dahilan?
VI
Ang awit ay may himig,
Ang puso ay may pintig,
Ang tao ay maligalig,
Bakit kaya, may pag-ibig?
Bình luận