top of page
Search

BALAKID

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 5, 2007

I

Ako ay nasa gitna nitong karagatan,

Namamangka ako, walang paroroonan.

Walang kapaguran ang aking pagsasagwan,

Saan kaya ang huli kong kahahantungan?

II

Yaring isipan ko ay itinuring na dagat,

Pinalawak ang diwang may lamat at sugat.

Upang ang bawat bagay ay matanggap kong lahat,

Karunungan ay hinanap at sa diwa ay inilapat.

III

Wala ngang kasing lalim itong karagatan,

Tulad ng pasakit sa pusong nasugatan.

Pighati ay dinanas mula sa kamusmusan,

Kalungkutan ay dala-dala nitong isipan.

IV

Balakid sa puso ko itong nakalipas,

Parang hangin na sa akin ay humahampas.

Sa nakaraan ako ay hindi makaiwas,

Paghahanap sa ligaya ay walang wakas.

V

Nangyari ang mga bagay na hindi mawari,

Lumaki akong sa tahanan ay isang sawi.

Sa kabataan ko ay hindi ako nagwagi,

Alaalang lumipas ay laging kabahagi.

VI

Ako ay nagpaagos sa takbo nitong buhay,

May balakid man sa diwa ko at nakabantay.

Inaasahan ko ang bukas na naghihintay,

Na sasalubong sa akin at gagabay.

VII

Patuloy akong sa buhay ay magpapatuloy,

Sa pagsasagwan ako ay magpapadaloy.

Upang madama ang hangin na sumisimoy,

Hindi ako sasalungat kahit na may panaghoy.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

コメント


bottom of page