top of page
Search

BATAYAN NG PAG-IBIG

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 1991

I

Punong-puno ng takot itong aking puso,

Kaya sa kadiliman ako ay nagtatago.

Upang hindi ko malasap ang muling mabigo,

Tinatakasan ko pusong mapagbalatkayo.

II

Sabihin na natin na ako ay mali,

Aaminin ko na rin na dati akong sawi.

Totoong ako ay tunay na namumuhi,

Sa pagsintang dati kong minithi.

III

Walang pagmamahal akong naramdaman,

Pawang pasakit ang sa akin ay inilaan.

Iminulat ako sa maling paninindigan,

Ibat-ibang mukha ay dapat daw gampanan.

IV

Wala daw nabubuhay sa katotohanan,

Ang magmahal daw ay kamangmangan.

Ang pag-ibig ay maraming batayan,

Kung wala ka nito ay hindi ka kailangan.

V

Iyan ba ang tingin nila sa pag-ibig?

Nagmamahal, tulak lang ng bibig.

Makasunod lang sa ikot ng daigdig,

Nagkukunwaring sila ay umiibig.

VI

Itigil ang paniniwalang kahibangan,

Harapin na yaring katotohanan.

Iisa lamang ang tunay na batayan,

Ang pusong nagmamahal ay may katapatan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

留言


bottom of page