BUHAY
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Agosto 9, 2001
I
Tumatakbo ang buhay ayon sa kanyang takbo,
Nilakad ko ang buhay ayon sa kanyang hakbang.
Tiningnan ko ang buhay at tinitigan,
At tinanggap ko ang lahat nang may pagtanggap.
II
Hindi ko matanong kung bakit,
At hindi ko maipaliwanag ang dahilan.
Basta ang alam ko ay ang alam ko,
At ito lang ang naiintindihan ko.
III
Natatakot akong alamin ang lahat ng bagay,
At takot akong ito ay akin pang malaman.
Hindi ko na inalam at hindi ko na rin aalamin,
Kung ano ang mayroon at bakit nagkaganoon.
IV
Hinayaan kong lumipas ang lilipas,
At ang aagos sa pag-agos.
Mangyari na lamang ang itinulot,
At tumanggap sa bawat dulot.
V
Mahirap talaga ang mabuhay,
At hindi naman madali ang magpakamatay.
Dahil sa ito ay parehong sa akin ay nagpapahirap,
Ibinigay ko na lamang ang buhay sa buhay.
VI
Ganoon lang pala iyon,
At napakadali lang pala niyan.
Ganyan lang pala ang lahat,
At nabatid kong ang buhay pala ay simple lamang.
Comments