top of page
Search

DAMDAMIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 15, 2017

I

Damdamin ay nasa kalooban ng puso,

Mahirap isalarawan at ipagtanto.

Bawat isa ay may damdaming nabubuo,

Pagmamahalan at galit ay natatamo.

II

Hindi madaling isalarawan ang damdamin,

Bawat puso ay kay hirap na arukin.

Mga tanong na hindi kayang sagutin,

Tulad ng galit na kay hirap intindihin.

III

Sa pusong pagmamahal ang nananahan,

Damdamin ay madaling pakibagayan.

Pawang pagmamahal ang makakamtan,

Kalungkutan ay madaling maunawaan.

IV

Ang damdaming puno ng hinanakit,

Pawang kasawian ang sa puso ay sasapit.

Walang natatanaw na bituin sa langit,

Dahil ang sarili ay sa hinagpis ikinapit.

V

Damhin ang sayang dulot ng damdamin,

Ang hinagpis at dusa ay hindi mapapansin.

Kabiguan man ay madaling tanggapin,

Dahil ang damdamin ay madaling kausapin.

VI

Huwag ilagak ang puso sa dusa,

Ang damdamin ay madaling sumaya.

Natuturuan ang pusong nangangamba,

Damhin ang damdaming kay ganda,


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Commentaires


bottom of page