top of page
Search

DAMDAMIN AY ISARA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 15, 2017

I

Maraming dahilan ang nangangatwiran,

Dahil ang katotohanan ay ayaw pakinggan.

Ang bakit ay walang kasagutan,

Paniniwala ay nasa sariling basehan.

II

Yaring puso at isipan kahit na ingatan.

Nasasaktan at naiiwang luhaan.

Ang damdamin ay hinubog na bulaan,

Upang makapagtago sa katotohanan.

III

Maraming mali ang matutuklasan,

Kung ang diwa ay pakikinggan.

Ang bawat sala ay maiiwasan,

Kung ang lahat ay magkakaunawaan.

IV

Ituro ang ngiti sa bawat damdamin,

Isipan ay hayaan na ang lahat ay tuklasin.

Ipaubaya ang luha sa hangin,

Natutuyo ang lungkot kung hahawiin.

V

Asahan mo ang isang pag-asa,

Bagamat wala kang nakikita.

Ang tagumpay ay makukuha,

Pagsikapan mo kahit na may dusa.

VI

Kung ikaw ay walang kilala,

Maiiwan ka sa mundo na nag-iisa.

Damdamin mo ay isara sa iba,

Upang ang mali sa iyo ay hindi na makita.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page