top of page
Search

DAMHIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1992

I

Sadyang nakakaakit yaring pag-ibig,

Wari bang sa puso ay may isang himig.

Nakakaaliw damhin ang bawat pintig,

Subalit kung minsan nakaliligalig.

II

Kinikilig itong pusong nagmamahal,

Lahat ay tama ang mali ay hindi bawal.

Damdaming kay ganda ay kinararangal,

At itinatayo ang sariling dangal.

III

Pag-ibig sa puso ay kay sarap damhin,

At itong diwa ay kaya niyang gisingin.

Kay sarap ng ikaw ay pagkamahalin,

Ligaya ay higit sa iisang damdamin.

IV

Nakakabaliw ang ikaw ay magmahal,

At tunay ngang ito ay nakakahangal.

Sa pag-iibigan ay walang sagabal,

Kung nagkakaisa mga pusong marangal.

V

Kapayapaan ay iyong makikita,

Kung tunay na pag-ibig ang nadarama.

Damhin ang pusong tunay na sumisinta,

Ang ligaya ay kay sarap kasama.

VI

Nasa puso ay damdaming dapat damhin,

Upang sa tuwina ikaw ay kiligin.

Ang hilahil ay huwag problemahin,

Puso ay turuan na ang lahat ay unawain.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page