DINGGIN ANG DIWA
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
2012
I
Walang paglagyan ang isipan ng tao,
Lahat ng bagay ay hinahanapan ng patotoo.
Sa simpleng paliwanag kasunod ay argumento,
Walang usapin na hindi nagtatalo.
II
Ano ba ang dapat na maging kaisipan?
Dapat bang laging sa iba ay makipag alitan?
Hindi ba maaaring ang isa't isa ay pakinggan,
Upang maihayag ang damdamin at kalooban.
III
Ang lahat ng tao na aking nakausap,
Sarili ay iginigiit sa sariling pangungusap.
At ang tinig ng iba ay hindi maaaring ilahad,
Sarili lang ang tama, na laging isinasaad.
IV
Napagod akong sa lahat ay makipag-usap,
Mga paliwanag nila ay hindi ko rin matanggap.
Ako ba at sila ay may iisang hinaharap?
Patungo sa kawalan… ang bukas na hinahanap.
V
Aking sinubukan sa panandalian ay tumahimik,
Sinang ayunan ko ang ibig nilang iparinig.
Kung kailangan sumunod sa dikta ng kanilang isip,
Ako ay aayon sa panandalian at isang saglit.
VI
Nais kong pasukin ang ibang paniniwala,
Upang aking mabatid ang diwa nilang nagwawala.
Aking napagtanto ang iba't ibang mga diwa,
At ang tao ay likas na mapaghanap ng laya.
Comentarios