DUSA NG MAPANGHUSGA
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Disyembre 2016
I
Katulad ng kahapon,
Ito rin ang noon.
Walang bagong natunton,
Liblib sa isang kahon.
II
Kudradong sulok-sulok,
Sa dusa ay nalugmok.
Sa mukha ay isang sapok,
Sa gilid ay nagmukmok.
III
Ulong nakayuko,
Sa panlalait ay hindi maitayo.
Labi sa akin ay naka nguso,
Nitong marumi ang puso.
IV
Sa lansangan ay nakatira,
Nakalublob sa putik ang paa.
Kapos sa hangin ang hininga,
Inangkin niya at kinuha.
V
Sukdulan sa kasakiman,
Sa salapi ay gahaman.
Lungkot ay iyong makakamtan,
Sa batis ng kasawian.
VI
Sa bundok ng paglalakbay,
Walang sa iyo ay gagabay.
Iiwanan ka ng iyong alalay,
Tanso kang itim ang kulay.
VII
Anyo mo ay hindi kanais-nais,
Naka maskra sa batis,
Mukhang mong makinis,
Isang bato ang kaparis.
VIII
Hindi mo na ako matatanaw,
Panlalait mo ay hindi na hahataw.
Hindi ako ang sa iyo ay tatanglaw,
Sa pag-iisa ikaw ay mamamanglaw.
Comments