top of page
Search

DUYAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Enero 22, 2008

I

Kalungkutan sa mata ay pagmasdan,

Tibok ng puso ay damhin paminsan-minsan.

Unawain ako sa aking nararamdaman,

Sarili ay nalulunod sa kasawian.

II

Walang sanhi nitong aking kabiguan,

Tanging ako ang pumili sa pighating nakamtan.

Nag-iisang mali ay aking pinanindigan,

Umasa sa kanila na ako ay pahahalagahan.

III

Aking idinuyan ang aking sarili,

Sa higaang umuugoy ay doon ako sumisibi.

Dinadama ang ugoy na waring may katabi,

Nililinlang ang sarili na sa ligaya ay nakakubli.

IV

Pahampas-hampas ako sa hangin,

Wari bang maaabot ko ang bituin.

Akala ko ang buwan ay kaya kong sungkitin,

Duyan ko pala ay may hangganan at nakabitin.

V

O kay sarap mangarap sa ugoy ng duyan,

Puso at diwa ko ay may ligayang nakakamtan.

Kahit sabihin pang ito ay isang bulaan,

May isang iglap na biyayang walang hanggan.

VI

Isang kapayapaan ang aking naaabot,

Mapagmuni kong diwa'y may ligayang nahablot.

Duyan ay taas, baba at nakakabagot,

Ngunit sa paulit-ulit ay naaayos ko ang sigalot.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page