top of page
Search

HALIKA O AKING KAHAPON

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Agosto 13, 2010

I

Halika, ako ay iyong samahan,

Sa aking pag-iisa ako ay huwag iwanan.

Kahit pa tayo ay hindi nagkakaunawaan,

Ako ay iyong ikubli sa ating nakaraan.

II

Halika o pagsinta kong lumipas,

Ang diwa ko ay punuin mo ng bukas.

Bagamat na ikaw sa akin ay lumikas,

Ang kahapon natin sa akin ay wagas.

III

Halika sa akin at ikaw ay manahan,

Pagsaluhan natin ang aking kalungkutan.

Aliwin mo ako sa aking kapighatian,

Kahit na saglit ako ay iyong damayan.

IV

Alaala man ang nasa aking isipan,

Dulot ay ligayang hindi maisalarawan.

Matamis na kahapon ang aking sandigan,

Pag-ibig na wagas ang aking tangan.

V

Ikaw na kahapon ay ang aking ligaya,

Sa lungkot ko ay ikaw ang kasama.

Pagmamahal ko ay laging ipinipinta,

Dito sa aking diwa tayo ay iisa.

VI

Halika aking kahapon,

Kahit saglit ako ay iyong ilingon.

Lumipas natin sa akin ay hamon,

At sa lungkot ko ay ikaw ang tugon.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comentarios


bottom of page