top of page
Search

HAMON

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1991

I

Limutin ang kahapon,

Itapon mo ang noon.

Harapin itong ngayon,

Lumaban ka sa hamon.

II

Hayaan ang nagdaan,

Iwanan ang nakaraan.

Huwag mo ng balikan,

Puso ay diyan nasugatan.

III

Sikapin mong lumaban,

Sa kapalarang nakamtan.

Tingnan yaring kinabukasan,

Ito ay iyong matatagpuan.

IV

Hapdi sa puso ay hamon,

Kahinahunan ay itugon.

Iwaksi ang galit noon,

Ibaon mo sa kahapon.

V

Magsikap kang tumindig,

Sa galit ay huwag padaig.

Tingnan mo ang daigdig,

Harapin ang ligalig.

VI

Buhay mo ay biyaya,

Damhin ang tinatamasa.

Biyaya ay iniaadya,

Sa nakauunawa.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page