HAPLOS NG PAGMAMAHAL
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Mayo 1999
I
Ang araw ng bukas ay natatanaw ko sa pangitain,
Sa isang panaginip ay doon ko lahat napansin.
Bawat magaganap na aking haharapin,
Dito sa dilim ay lumiliwanag ang sasapitin.
II
Ganyan kabait sa akin ang Diyos,
Maging sa panaginip patuloy akong hinahaplos.
Dumagsa man sa akin ang malakas na unos,
Hindi niya itutulot, masaktan ako, kahit galos.
III
Saan man makarating ay hindi niya pababayaan,
Musmos niya akong pinangangalagaan.
Sa lahat ng bagay ako ay pinagkakaingatan,
At sa bawat hiling ko ay kasunod ang katuparan.
IV
Tunay ngang ako ay mahal ng Diyos,
Gabay ko siya sa bawat pag-agos.
Pagmamahal niya ay pinadama sa haplos,
At madalas iniingatan na huwag magka-galos.
V
Walang bagay ang sa akin ay makakasugat,
Hindi itutulot na ako ay magkalamat.
Pagmamahal ng Diyos ay hindi masusukat,
Ganyan siya kumalinga, walang katapat.
VI
Buhay ko ay hawak ng kanyang kamay,
Kaya panatag akong namumuhay.
Haplos niya sa akin ay gabay,
At ang pag-ibig niya ay aking tagumpay.
Comments