HAYAAN MO AKO
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Hunyo 20, 2009
I
Huwag mong ipagsasabi,
Narito ako sa isang tabi.
Damdamin ko ay nakakubli,
Nakatago sa dilim ng gabi.
II
Huwag mong aalamin,
Yaring aking saloobin.
Sapagkat hindi ko ito sasabihin,
Kahit ako ay iyong pilitin.
III
Huwag mo akong tititigan,
Kahit saglit ay huwag mong titingnan.
Sapagkat aking paninindigan,
Damdamin ko ay hindi mo malalaman.
IV
Huwag mo ng ipagpipilitan,
Na ako ay sala sa katwiran.
At huwag mong igiit, iyong kalooban,
Sapagkat hindi kita pakikinggan.
V
Sa akin ay huwag kang mananahan,
Sapagkat magulo sa aking tahanan.
Damdamin ko ay hindi mo matatagalan,
Kaguluhan lamang, iyong matutunghayan.
VI
Mabuti pang ako ay iyong tantanan,
At sa dilim ako ay iyong iwanan.
Hayaan mong liwanang ay matuklasan,
Sa gitna nitong kadiliman.
Comments