HIGIT PA SA AKIN
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 1990
I
Kay tagal din ng ating pinagsamahan,
Nadama ko sa iyo ay ang kaligayahan.
Kalungkutan ay hindi sa atin laan,
Subalit ang lahat ay mayroong hangganan.
II
Ang akala mo ay isa akong huwaran,
Dakila at may lihim na kabanalan.
Higit mong alam ang aking nalalaman,
Kakayahan ko ay iyong malalampasan.
III
Nakita mo sa akin ay pangkaraniwan,
At maaaring higit pa ang sino man.
Darating din ako ay iyong iiwanan,
Sapagkat katangian ko ay mahihigitan.
IV
Dito sa puso ko ay may nakatago,
Isang pintig na sadyang ayaw kumibo.
Tila natatakot na iyong matanto,
Sapagkat higit pa ang iyong matatamo.
V
Hindi mo matatanggap ang pagiging ako,
Hanap mo ay wala sa aking pagkatao.
Sadya kong pipigilin tibok ng puso,
Hahayaan kong tayo ay magkalayo.
VI
Wag kang magdamdam aking kaibigan,
Paglalayo natin ay sa iyong kapakanan.
Dapat mong alamin ang katotohanan,
Ang nakikita mo ay kasinungalingan.
Comments