top of page
Search

HINAY-HINAY

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Agosto 10, 2010

I

Sandali, teka, saglit, tigil ka muna.

Hayaan mong ang oras ay magpahinga.

Ikaw ay huminto at huwag magpa-umaga,

Damhin mo ang dilim at ipikit yaring mata.

II

Ang lahat ay mayroong hangganan,

Huwag mong ubusin ang takbo ng orasan.

Bawat bagay ay mayroong katapusan,

At ang bawat araw ay panandalian.

III

Ang buhay ay tatakbo kahit ikaw ay huminto,

Orasan ay hindi titigil kahit hindi ka kumibo,

Ikaw ay magmasid at iyong matatanto,

Ang araw ay sumisikat at sa hapon ay naglalaho.

IV

Hinay-hinay lang sa iyong paglalakad,

Bawat hakbang ng paa ay huwag ikaladkad.

Sikapin mong ang lahat ay yapusin ng palad,

Unawa ang kailangan sa bawat hangad.

V

Huwag kang magmadali sa nais mong maabot,

Ang mahinahong pagkilos sa dulo ay walang gusot.

Pansin mo ay ituon sa madulas na lumot,

Upang sa daan ay maiwasan mo ang salot.

VI

Nakatakda lahat ang bawat bagay,

Ito ay nasa panahon at sa iyo ay ibibigay.

Baybayin mo ang buhay ng hinay-hinay,

Sa padalos-dalos sasapitin mo ay lumbay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page