top of page
Search

HINDI KA MARUNONG MAGMAHAL

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Pebrero 1990

I

Maraming panahon na ang nakalipas,

Ang alaala ko ay hindi magwawakas.

Hapdi na dulot mo ay sadyang bumabakas,

At dito sa puso ko ay tinik kang wagas.

II

Pilit kong iniintindi ang iyong puso,

Kahit ikaw sa akin ay lumalayo.

Tinakwil mo ako at tila ka nagtago,

Hindi nilingon ang puso kong nagdurugo.

III

At sa pagmulat nitong aking mga mata,

Ay agad pumatak ang unang mga luha.

Nagtanong ako sa Diyos na lumikha,

Laan ba ako sa mundong mandaraya?

IV

Mahirap man gawin ay tatanggapin ko,

Sapagkat ang hangad ko ay ang ligaya mo.

At ang bigat mong dala ay kakayanin ko,

Upang ikaw ay tuluyan ng magbago.

V

Sadya ngang hindi ka marunong magmahal,

Puso mo ay malupit tulad ng mga hangal.

Ang iniisip mo ay pawang mga bawal,

Sarili mong kapakanan ang iyong dasal.

VI

Pilit kong nililimot ang nakaraan,

Upang harapin ko ang bukas na laan.

At buksan ang pusong dugo mong iniwan,

Tatanggapin kita hanggang sa kamatayan.

VII

Kapatawaran ay hindi ko ikinait,

Sapagkat ako ay nilikhang hindi malupit.

Kung ang hanggad mo ay sarili mong langit,

Matatamo mo ngunit may halong pait.

VIII

Masakit man sa puso ang bawat mong mali,

Ikaw pa rin ang aking itinatangi.

Sa Diyos ay ipinakiusap makamtan ang minimithi,

Hangad ko aking ama ang makasama kang muli.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Commenti


bottom of page