top of page
Search

HINDI KO IPAGKAKAIT

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

1991

I

Bagamat sa puso ay masakit,

Pagsintang sa akin ay ipinagkait.

Pangako ko pa rin itong langit,

Kahit ako ay iyong hinagupit.

II

Handa na ako sa magaganap,

Haharapin ko ang ano mang hirap.

Kahit na ako ay hindi mo ilingap,

Pag-ibig ko ay iyong matatanggap.

III

Pagmamahal ko sa iyo ay wagas,

Sa mga pasakit ay laging may lunas.

Lahat ng bagay ay lilipas at maaagnas,

Pag-ibig ko sa iyo ay walang wakas.

IV

Pag-ibig ko ay hindi ipagkakait,

Pagsinta kong sa iyo ay sakdal langit.

Kahit na puso ko ay ihagupit,

Pag-ibig ko ay nakakahigit.

V

Durugin man itong aking puso,

Pag-ibig ko ay hindi maitatago.

Ang aking pag-ibig ay hindi lalayo,

Maninindigan kahit na bigo.

VI

Hindi ko ipagkakait ang pag-ibig,

Sapagkat ikaw ang aking daigdig.

Kahit na ang mundo ay maligalig,

Ang nagmamahal ay hindi padadaig.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page