top of page
Search

HINTO

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Hunyo 10, 2008

I

Kaibigan hinto,

Panandalian kang tumigil at huwag kumibo.

Huminga ng malalim, pakingggan ang puso,

Ang mata ay ipikit ang ulo mo ay iyuko.

II

Ganyan nga kaibigan,

Kung minsan pagpapahinga ay kailangan.

Damhin ang hindi pa nararanasan,

Ilutang ang sarili sa mundong kinagagalawan.

III

Mahirap talagang kamtin ang kapayapaan,

Isaayos man ang lahat ito ay walang katiyakan.

Walang bagay na maaari mong panghawakan,

Maging ang sandali ay walang kasiguruhan.

IV

Kaya ang aking payo, ikaw ay maki-agos,

Sa takbo nitong buhay lahat ay makakaraos.

Walang suliranin na hindi natatapos,

Sapagkat ang bawat oras ay umaagos.

V

Ang labi mo ay hayaang ngumiti,

Tawanan mo ang lungkot kahit na sandali.

Sapagkat ang saya, kapag iyong minithi,

Lahat ng kabiguan ay mahahawi.

VI

Kaibigan, ikaw ay magpakasaya,

Sarili ay hayaan mong sa mundo ay lumigaya.

Kung meron man hilahil na iyong nadarama,

Ihinto ang pag-iisip at Diyos ang magpapasya.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page