HIRAM NA SANDALI
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 13, 2007
I
Pag-ibig ay sumasagip sa kalungkutan,
Napipigil ang sandali ng orasan.
Ang bawat segundo ay pinananabikan,
Kahit sabihin pang ito ay kasalanan.
II
Pusong nagmamahal ay hindi mapigil,
Sa bugso ng damdamin siya ay nanggigigil.
Sa pakikipagtagpo ay walang hilahil,
Masusunod ang pusong sadyang suwail.
III
Kahit sabihin pang pag-ibig niya ay mali,
Itutuloy ang pagsintang hindi pababali.
Bagamat ito ay hiram na sandali,
Ligayang nadarama ay hindi mahahawi.
IV
Mata ay imulat sa katotohanan,
Kataksilan ay walang patutunguhan.
Nadarama mo ay isang kapahamakan,
Sisira sa buhay mo at kalooban.
V
Pagmamahal na tunay ay bigay ng Diyos,
Igalang mo at sundin ang bawat niyang utos.
Sa hiram na sandali ay huwag magpagapos,
Nadarama mo dito ay hindi isang haplos.
VI
Maraming damdamin ang iyong masisira,
Sa pagsunod mo sa pusong nagwawala.
Buhay mo ay sa Diyos ipagkatiwala,
Hiram na sandali, kailan man ay hindi tama.
Comments