HUWAG KANG MAKULIT
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
1998
Hindi puwedeng ipilit,
Hindi puwedeng isingit.
Huwag mong ibanggit,
Kaya huwag kang makulit.
Mahirap ang makipagkulitan,
Sapagkat nalilito yaring isipan.
Tanggapin ang katotohanan,
Huwag ipaglaban ang kamalian.
Huwag kang makulit,
Sa iyo ay walang makikinig.
Nililito mo ang bawat isip,
Salungat ang laman ng bibig.
Ikaw ay tumahimik,
At huwag magligalig,
Sa mali ay bihira ang nakikinig.
Sikapin mong maghayag ng tama,
Upang sa iyo ay may maniwala.
Kung salita mo ay maling akala,
Sa iyo ay wala ng magtitiwala.
Huwag kang makulit sa buhay,
Ipirmi mo ang iyong pagninilay.
Isipan mo ay iyong itambay,
Matutong makinig sa kanilang gabay.
Ikaw ay mag paagos sandali,
At sa payo ng iba ikaw ay mamili.
Upang ikaw ay hindi masawi,
Kakulitan ay itago at ikaw ay magwawagi.
Comentários