top of page
Search

IKAW ANG BUWAN AT ANG AKING BITUIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Setyembre 2015

I

Ikaw ang buwan at ang aking bituin,

Liwanag at ningning mo'y gabay sa lalandasin.

Ang lungkot at kabiguan ay hindi ko napansin,

Sa palad mo inay ay inihiga yaring damdamin.

II

Aking tinahak ang inakala kong tama,

Nanindigan sa bawat mali kong paniniwala.

Hindi ko naisip na may papatak na luha,

Kung ako man ay matisod at madapa.

III

Sa aking paglalakbay ikaw ay nakasunod,

Iningatan mo akong sa daan ay mapagod.

Sa Diyos aking inay ikaw ay laging nakaluhod,

Upang idalangin na sa masama ako ay ibukod.

IV

Iyong tinangan ang bigat ng bawat mong takot,

Mga pangambang sa diwa mo ay bumalot.

Mga paniniwala kong sa katwiran ay baluktot,

Itinama ng karunungan mong sa mali ay sagot.

V

Tinangan ng iyong puso ang bawat sandali,

Upang sa diwa ko inay ikaw ay may ibabahagi.

Bawat kong hakbang na may pagkakamali,

Ikaw ay umalalay upang puso ko ay hindi masawi.

VI

Pagmamahal mo inay ay aking aangkinin,

Ito ay aking itatangan sa landas kong tatahakin.

Walang sandaling ang salita mo ay lilimutin,

Dahil ikaw ang buwan at ang aking bituin.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page