IKAW AT AKO
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Pebrero 1990
I
Lahat ng bagay ay mayroong dahilan,
Kailangan lamang ay maunawaan.
Upang ang lahat ay may katahimikan,
At magkaroon ng isang kalayaan.
II
Bumuklod sa atin ay isang pag-ibig,
Hindi natin alam hatol ng daigdig.
Pinagsama tayo ng walang ligalig,
Sapagkat itong puso ay may iisang pintig.
III
Ikaw at ako ay hindi magkakilala,
Nagtatanong na puso at nagtataka.
Kung bakit tayo ay laging magkasama?
Ang dahilan ay hindi natin makita.
IV
Mundo ay umiikot sa ating dalawa,
Nadarama natin ay pawang ligaya.
Ang lahat ng ito ay nakapagtataka,
Sapagkat tayong dalawa ay magkaiba.
V
Ikaw at ako ay sadyang nakalaan,
Magkita sa mundong kinagagalawan.
Upang maghasik nitong kaligayahan,
At kamtin ang tunay na katahimikan.
VI
Diyos ang dahilan kung bakit sinugo,
Ikaw at ako pati ang ating puso.
Darating din na ating mapagtatanto,
Ang dahilan ng ating pagkakatagpo.
Comments