top of page
Search

IKAW AY NILIKHA

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Abril 28, 2007

I

Paligid ko ay aking pinagmasdan,

Ang bawat bagay ay pinagmunian.

Hangad ko ang lahat ay maunawaan,

Bawat bagay sa aking kapaligiran.

II

Nakita ko ganda ng bawat isa,

Walang kapintasan akong napuna.

May katuturan ito at may halaga,

Nilikha ng Diyos na may angking ganda.

III

Bawat pagsibol ay paulit ulit,

Ang araw sa oras niya ay sumasapit.

Lahat ng bagay ay hindi malupit,

Ito ay may halagang bigay ng langit.

IV

Mata ay ituon sa kanyang nilikha,

Ang tao ay isa sa kahanga-hanga.

Angkin kaisipan ay itinalaga,

Na siyang ginawang tagapangalaga.

V

Sadya ngang ang tao ay nakahihigit,

Kaya buhay mo ay sa Diyos ikapit.

Sa puso mo ay huwag ipagkakait,

Ang ligayang sa puso mo ay sasapit.

VI

Ikaw ay malaya sa bawat bagay,

Kalayaan ay gamitin mo na may gabay.

Sa kapwa mo ikaw ay magpaalalay,

Upang iyong marating ang tagumpay.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

コメント


bottom of page