top of page
Search

IKAW PA RIN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Marso 1991

I

Ipagpatawad mo ang aking kahinaan,

Na harapin ang tunay na katotohanan.

Katotohanang aking nararamdaman,

Ito ay ang pagsintang sa iyo nakalaan.

II

Mahal ka pa rin nitong aking puso,

Kahit umalis ako at pumunta sa malayo.

Kung ang pagmamahal ko'y 'di mo napagtanto,

Patawarin ako sa mali kong pagsuyo.

III

Ngayon ko natuklasan ang katotohanan,

Na ang pag-ibig ay hindi maaaring takasan.

Tatanggapin kita sa munting dahilan,

Pag-ibig pa rin ang aking nararamdaman.

IV

Sana ay ikaw na ang aking makapiling,

Sa bawat araw at taon pang darating.

Pag-ibig mo nawa ay sa akin ibaling,

Ito lamang ang tangi kong hinihiling.

V

Ikaw at ikaw pa rin ang tangi kong mamahalin,

Ang lahat sa buhay mo ay handa kong yapusin.

Pagkukulang sa isa't isa ay aking uunawain,

Upang hindi na magkahiwalay ating damdamin.

VI

Kung sakali man ang tadhana ay magbiro,

Paglayuin ang nagmamahalan nating puso.

Iyong tatandaan, pag-ibig ko ay hindi lalayo,

Sa iyo ko ito ilalaan kahit ako ay malayo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page