KAPALARAN
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Abril 1993
I
Asahan man o hindi ang lahat ay mangyayari,
Kapalaran itong nagdudulot ng pagkasawi.
Ang bawat bagay na iyong minimithi,
Abutin mo ng may saya at ngiti.
II
Minsan ang dulot ay saya o dusa,
Mga hinahangad ay nakalaan sa iba.
Sadyang ang buhay ay mahirap ipinta,
Kaya sabayan ang kapalaran na iyong nakuha.
III
Bawat naisin ng tao ay hindi agad natatamo,
Kahit pagsikapan pa, may nakalaan para sa iyo.
Hanapin ang biyayang bigay ng nagsugo,
Upang ang ligaya ay iyong matamo.
IV
Marami ang dahilan ng bawat kabiguan,
Ito ay daan patungo sa kaligayahan.
Tagumpay ang kapalit ng kasawian.
Sa bawat kapalaran may bukas na nakalaan.
V
Mahirap hanapin ang mundong papasukin,
At ang landas ay hindi madaling piliin.
Subukan mong ang lahat ay baybayin,
Upang matanaw ang daan na tatahakin.
VI
Yaring kapalaran ay walang katiyakan,
Sa iyo, sa akin ay iba-iba ang nakalaan.
Hayaan na ang lahat ay mapagmunian,
Tanggapin mo ang sa iyo'y inilaan.
Comentários