top of page
Search

KAPALARAN, KAPALARAN, BAKIT KA GANYAN?

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Enero 1991

I

Sa isang dalampasigan ako ay nakaupo,

At doon ay nakita ko ang pusong nagdurugo.

Pilit tumatakas at patungong papalayo,

Wari bang may takot siyang nakatago sa puso.

II

Ang lumuluhang babae ay aking tinitigan,

Sa tubig ay sumasalamin ang kanyang kalungkutan.

Muli kong pinagmasdan angkin niyang kagandahan,

Nang masilayan ko ay ang aking katauhan.

III

Paano ko haharapin yaring bukas?

Kung hindi ko malimot yaring nakalipas.

Ang hapdi sa puso ko ay tuluyan ng bumakas,

Hindi na napawi at hindi na rin kumupas.

IV

Kay hirap ituloy bawat nakaraan,

Sapagkat ang puso ko ay lubhang nasugatan.

May takot akong muling masaktan,

O malasap muli yaring kabiguan.

V

Ibig kong manumbalik yaring pag-ibig,

At muli kong harapin ang bagong daigdig.

Ngunit sa puso ko ay mayroong ligalig,

Dahil takot ang laging pumipintig.

VI

Kapalaran… kapalaran… bakit ka ganyan ?

Malimit akong naliligaw sa maling daan.

Ipakita mo sa akin ang katotohanan,

At ipadama mong ako ay may kahalagahan.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page