KAPATID
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Oktubre 29, 2001
I
Iisang dugo at laman ang pinanggalingan,
Parehong mundo ang kinalakihan.
Puso ay pinagbuklod sa munting tahanan,
Pinagkapit na damdaming hindi mag-iiwanan.
II
Sadya ngang ikaw ay tunay na mahalaga sa akin,
Pagmamahal ko sa iyo ay walang makakaangkin.
Sa Diyos kita ay lagi kong dinadalangin,
Makamtan mo nawa ang bawat mong hilingin.
III
Wala akong maaaring sa iyo ay maibigay,
Sapagkat walang yamang maiaalay.
Tandaan mo lamang simple lang ang buhay,
Ang pinakamahalaga ikaw ay may kaagapay.
IV
Habang ako ay nabubuhay dito sa mundo,
Pagka asahan mong ako ay lagi sa tabi mo.
Hindi ka lang bahagi ng buhay ko,
Karugtong ka ng buo kong pagkatao.
V
Sa abot ng kaya ikaw ay iingatan,
Pipilitin na huwag masaktan.
Tutulungan kung kinakailangan,
Ito lamang ang aking kakayahan.
VI
Sa piling mo ako ay hindi hihiwalay,
Gabay mo ako sa takbo nitong buhay.
Asahan mo KAPATID ako ay karamay,
Lilisan lamang kung mahihimlay.
Comments