KRUS NI BATHALA
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Enero 1992
I
Napapagod na akong mag-isip,
At malimit ako ay naiinip.
Maraming bagay ang aking kinaiinis,
Sa sarili ko ako ay nabubuwisit.
II
Kung maaari sanang magtago,
O kaya ay tuluyan ng lumayo.
Sana ako ay matagal ng naglaho,
Sa mundong mapagbalatkayo.
III
Hirap na yaring aking puso,
Wala akong sugat na hindi nagdugo.
Bawat kirot, hapdi ay napagtanto,
Katumbas nito ay ang aking pagkabigo.
IV
Kung ito man ay udyok ng tadhana,
O kaya ay krus ni Bathala.
Papasanin ko ang bigat niyang iniadya,
Kakayanin ko upang siya ay matuwa.
V
Salamat sa krus na walang kasing bigat,
Kahit na ito ay sa puso ko sumugat.
Ikinagagalak ko ang handog ng lahat,
Lalo na ang kalbaryong sa akin ay pinabuhat.
VI
Langit ang katumbas nitong aking tangan,
Diyos ang katuwang, kaya ko nakayanan.
Malimit niyang inaako ang bawat kong kahirapan,
Hindi niya ninais na ako ay masugatan.
Comments