KUTSERO SA LUMANG KALESA
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Marso 1999
I
Lahat ng hindi puwede, ngayon ay puwede na.
Lahat ng kababalaghan, ay ordinaryo na.
Nababago ang lahat na iyong nakikita,
Maging ang nasa isipan at itong nadarama.
II
Wala ng nakapagtataka,
Sapagkat haka-haka ay totoo na.
Guni-guni ay lumalantad pa,
Sa dilim na nakatago, ngayon ay kita na.
III
Kababalaghan ay hindi na iba,
Sa mata ng lahat ay iniuuso pa.
Lumang istorya ay hila-hila,
Nitong kutserong nasa kalesa.
IV
Wala ng imposible ngayon,
Lahat ng bagay ay nilantad ng panahon.
Kahit ikaw ay mag palingon-lingon.
Kalituhan lang sa isip ang siyang hahamon.
V
Tiyak na itong nagaganap,
Subok na ng bawat paghihirap.
Ang na una ay dating nakalasap,
At sa katotohanan ay kumapkap.
VI
Kutsero sa lumang kalesa,
Ang siyang nagbitbit nitong alaala.
Bagamat ang nangyari ay tapos na,
Hinila pa rin ito ng lumang istorya.
Comments