LAGING MAY BUKAS
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Agosto 25, 2015
I
Walang sandaling ako ay nalungkot,
Ang bawat segundo ay hindi ko kinabagot.
Buhat nang ang puso ko ay sa iyo sumagot.
Ang ligaya sa diwa ay hindi na nalagot.
II
Ikaw ang ligayang sa puso ko ay nakabaon,
Lumipas na ngiti ay bitbit ko hanggang ngayon.
Puso ko ay nagagalak na balikan ang noon,
Ikaw ang nag-iisang sa bukas ko ay humahamon.
III
Aking binabalikan ang ating nakalipas,
Ligayang kay tamis na sa puso ko ay nakabas.
Bagamat ikaw ay lumayo at sa akin ay lumikas,
Hindi ko isinantabi na ikaw ang aking bukas.
IV
Laging may bukas upang ikaw ay hintayin,
Batid kong babalikan mo ang aking damdamin.
Dasal ko ay nananalig sa isang mithiin,
Na ikaw ay lilingon upang muli akong mahalin.
V
Hanggat ang alaala mo ang nasa aking diwa,
Walang ibang mananahan sa pusong nakatikala.
Sa libingan ay dadalhin ko ang pagnanasa,
Na makasama ka at ang ligaya ay iyong iaadya.
VI
Ang tanging sanhin ng aking paghihintay,
Ay ang pagmamahal mong sa akin ay ibinigay.
Ikaw ang nag-iisang sa puso ko ay dumamay,
Ang pagkalinga mo ay kinipkip ng aking kamay.
Comentarios