top of page
Search

LAHAT AY MAY HANGGANAN

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

Marso 1992

I

Sa isang sandali,

Lahat ay mapapawi,

May ulap na mahahawi,

At ang luha ay ngingiti.

II

Di mapigil ang udyok ng tadhana,

Lahat ng bagay ay kanyang itinakda.

Ginto at pilak ay kapwa mawawala,

Maglalahong parang isang bula.

III

Balikan natin yaring pinagmulan,

At ang lahat ay ating pagnilayan.

Pilitin natin na ito ay maunawaan,

Simula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan.

IV

Alabok ka nga na sa lupa nagmula,

Sa dagat nanggaling pinapatak mong luha.

Nagpaagos ka sa alon na nagwawala,

Tunay kang alabok sa pagsubok ay mahina.

V

Hindi ka nag-iisa sa iyong kahinaan,

Katulad mo ako takot sa kapighatian,

Sisikapin kong lahat ay labanan,

Maging ito man ay kamatayan.

VI

Isipin mong lagi lahat ay umaagos,

Walang isang sandaling hindi natatapos.

Sa bawat suliranin ikaw ay makakaraos,

May hangganan ang lahat sa pusong hindi kapos.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page