LIHIS NA DAAN
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 9, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
1993
I
Kung ang naradama kong pag-ibig ay kabiguan,
Ito ay iwawaksi at sa dibdib ay tatalikdan.
Hindi ko hinangad na ang puso ko ay masaktan,
Tanging kong pinangarap ay ligaya ang makamtan.
II
Iniingatan kong ako sa iba ay makasakit,
At hindi ko rin nais kabiguan ay sumapit.
Ang aking pag-ibig, iniiwas ko at pinagkait,
Pagsintang ubod tamis sa puso ay may dalang pait.
III
Hindi ko hinangad o ninais ang ano mang ligaya,
Sapagkat alam ko sa huli ako ay magdurusa.
Mas minabuti ko pa ang huwag nang mag-umpisa,
Upang hindi masimulan ang pighating madarama.
IV
Sarili ay ililihis sa daan ng kabiguan,
Kahit masakit at puso ko ay masugatan.
Sapagkat sa umpisa lamang ako mahihirapan,
Panahon ang maghihilom sa aking nararamdaman.
V
Napakahirap ang damdamin sa daan ay ilihis,
Masakit sa puso na ang pagmamahal ko ay itiis.
Subalit kailangan ang puso ko ay ialis,
At hindi ko nais makipagsapalaran sa batis.
VI
Sa paglihis sa daan ay iniwasan kong lumingon,
Aking itinapon ang mga alaala at ibinaon.
Sapagkat mas masakit ilingon itong kahapon,
Unang pag-ibig ay sadya ngang kay hirap itapon.
Comments