LUNGKOT
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Oktubre 1999
I
Nakakapagod ang mag-isip,
At ang maghintay ay nakakainip.
Damhin man ang hangin na umiihip,
Lungkot pa rin ang sa pag-iisa ay sumasagip.
II
Sana ay dumating ang aking kamatayan,
Upang ang lungkot ay hindi ko na mamalayan.
Namimighati ako sa aking nararamdaman,
Para bang ang buhay ko ay walang kabuluhan.
III
Kung puwede lang sanang kitilin ko yaring buhay,
Winakasan ko na aking paglalakbay.
Ibig kong pumikit at huwag nang magkamalay,
Sapagkat nais kong tuluyan ng mahimlay.
IV
Ayaw ko ng abutin ng bukas,
Kaya dalangin ko, buhay ko ay magwakas.
Kamatayan lamang ang tanging lunas,
Sa bawat lungkot kong dinaranas.
V
Dalamhati ko ay binitbit ng lungkot,
Kaya ang pagpanaw ay hindi ko ikinatakot.
Ito lang ang paraan upang ako ay makalimot,
Sapagkat nadarama ko ay tila isang salot.
VI
Subalit ang buhay natin ay bigay ng Diyos,
Kaya minabuti kong magpakaayos.
Kalimutan ang lahat, magpakasaya ng lubos,
Ano mang lungkot sa tubig ipaagos.
Comments