MAGHIHINTAY
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Disyembre 2006
I
Nagsimula ang lahat sa tibok ng puso,
Agad nadama ang pagmamahalan sa unang tagpo.
Matatamis na lambingan at tunay na pagsuyo,
Damdamin ay pinag-isa sa harap ng nagsugo.
II
Sa hamon ng buhay tayo ay hindi nag-iwanan,
Ating tinupad ang pangakong sinumpaan.
Sa hirap at ginhawa tayo ay 'di kayang subukan,
Sa haba ng panahon ay mapatutunayan.
III
Saglit na paninindigan sa akin ay inilaan,
Agad kang nagbago at ako ay tinalikdan.
Iniwan mo ako sa gitna ng kalungkutan,
Mas ninasa mong mag-isa at ako ay iniwan.
IV
Sa gitna ng dilim naiwan akong nag-iisa,
Bituin ang sa akin ay nagbibigay pag-asa.
Silang mga supling ang tangi kong ligaya,
Mga talang tinatanaw sa puso'y nakagiginhawa.
V
Ngunit hindi maitatago yaring kabiguan,
Kahit ang lahat ay idaan ko sa tawanan.
Sa mukha ay naaaninag ang tunay kong kalooban,
Na sa iyong paglayo puso ko ay nasaktan.
VI
Ako ay mananatiling sa iyo ay maghihintay,
Pag-ibig pa rin ang sa iyo ay iaalay.
Asahan mo mahal ako ay iyong gabay,
Patuloy kitang hihintayin habang buhay.
Comments