MAGULANG
- Crisanta N. Cardeño-Reyes
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Updated: Sep 9, 2020
Crisanta N. Cardeño-Reyes
Mayo 1999
I
Napakahirap ang maging magulang,
Mga sinasakripisyo ay hindi kayang pantayan.
Tanging hangarin pagmamahal ay mailaan,
Sa anak na giliw handog ay karangyaan.
II
Paano ko nga ba kayo pasasalamatan?
Sa pagmamahal ninyong walang katapusan.
Maging ang puso ko ay inyong iningatan,
Kaya si Bathala ay inyong hinilingan.
III
Malawak na pang-unawa sa akin ay ibinigay,
Yaman sa mundo ay inyo pa rin inialay.
Pagkat hanggad ninyo buhay ko ay tumiwasay,
At sa daigdig ay magkaroon ng saysay.
IV
Ang lahat ng ito ay hindi ko matutumbasan,
Maging pagmamahal ninyo ay hindi ko kayang pantayan.
Higit pa sa sobra bawat ninyong inilaan,
Pagiging magulang ninyo ay isang kadakilaan.
V
Ihandog man ang sarili ay hindi makasasapat,
Pagkat bawat nagawa ninyo ay walang makatatapat.
Ibubulong na lamang yaring pasasalamat,
Na hindi matatapos at hindi ninyo masusukat.
VI
Kayo ay dakilang pangalawa sa Maykapal,
Na aking itinatangi at kinararangal.
Kahilingan ko ay sa Diyos dinadasal,
Buhay ninyo nawa ay humaba at tumagal.
Comentarios