top of page
Search

MANANATILI

  • Writer: Crisanta N. Cardeño-Reyes
    Crisanta N. Cardeño-Reyes
  • Sep 8, 2020
  • 1 min read

Crisanta N. Cardeño-Reyes

2005

I

Sino ang may sabing ako ay bigo?

Kahit na tayo ay nagkalayo.

Tagumpay pa rin yaring aking puso,

Sapagkat minsan tayo ay nagkatagpo.

II

Ikaw ay hindi nawaglit sa aking isipan,

Patuloy kong binabalikan yaring nakaraan.

Nakaukit sa puso ang pag-ibig kong inilaan,

Na mananatiling sa iyo magpakailanman.

III

Kung hindi man tayo muling magtagpo,

At ang landas natin ay tuluyan ng nagkalayo.

Dito sa puso ko ay patuloy kong itatago,

Ang pagmamahal kong hindi mo napagtanto.

IV

Pagpapaalam ay hindi mangyayari kailanman,

Hihintayin ko panahon na nakalaan.

Ang makasama ka kahit panandalian,

At muling manumbalik, tamis ng pagtitinginan.

V

Unang pag-ibig ay kay sarap alalahanin,

At kahit kailan ay hindi ko ito lilimutin.

Kahit na masakit ang pinadama sa damdamin,

Ikaw pa rin ang mananatili kong mamahalin.

VI

Asahan mong puso ko ay hindi magbabago,

Damdamin ko sa iyo ay hindi maglalaho.

Sa puso at isipan ko ikaw ay hindi napalayo,

Sapagkat sa alaala ko ay lagi kitang kasuyo.


 
 
 

Recent Posts

See All
SANA MAY BUKAS PA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Setyembre 1990 I Maraming katanungan ang nasa aking puso, Ang pagdapo ng pag-ibig ay hindi ko matanto. Sa...

 
 
SANA AY IKAW NA NGA

Crisanta N. Cardeño-Reyes Pebrero 1990 I Sabi nila ako daw ay isang hangal, Dahil hindi daw ako marunong magmahal. Hindi nila alam ang...

 
 
AKING AMA AT INA

Crisanta N. Cardeño-Reyes 2007 I Sa simula nitong buhay, kayo ay kaagapay. Sa dusa at hinagpis ko kayo ay karamay. Ako ay inangat sa...

 
 

Comments


bottom of page